Monday, November 25, 2019

VP ROBREDO, nagdarama sa kanyang speech para sumimpatya ang media at tao pagkatapos syang sibakin ni DUTERTE

Vice President Leni Robredo made a speech about 2 hours ago, 2:24 PM as of writing this post. Probably a prepared speech almost 24 hours after she was fired by Malacanang, November 24, 2019, as co-chair of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). The video of her speech was first uploaded in her own Facebook page.

In the video VP Robredo addressed the media that she will not stop on her campaign to get rid of the illegal drugs of the country. She started with some accounts of what happened to her, about the position as co-chair in ICAD that she didn't ask. That she went to some agencies to talk about what to do, the PDEA, and the rehab centers (ma'am Luzon, Visayas at Mindanao anG mga rehab centers, baka sa Bicol ka lang pumunta) which she didn't mention which of them she visited, what location.


She criticized the government that when she started to do her job on the first few days, criticisms haunt her. She said the administration really did not want her to succeed.

Robredo also is insinuating that the Duterte administration is doing something wrong and something bad, in relation with the war on drugs, which she will reveal in a few days time. The things she will reveal are the things she discovered working as ICAD co-chair for 2 weeks.

This is the transcript of her speech:

Mahigit dalawang linggo pa lang mula nang tinanggap ko ang hamon na pamunuan ang kampanya laban sa iligal na droga. Mahigit dalawang linggo pa lang mula nang aking isinantabi ang napakaraming babala para pasanin ko ang trabahong kahit halos imposible ay kailangan kong subukan para sa ating mga kababayan.

Hindi ako nagsayang ng oras: Nakipagpulong agad ako sa ICAD at iba’t ibang mga ahensiya. Kinonsulta natin ang iba’t ibang mga sektor. Pumunta tayo sa mga komunidad. Nakipagpulong tayo sa mga LGU. Binisita natin ang mga Rehab Centers.

Pero nagsimula agad ang mga atake. Walang tigil ang pagbabatikos. Mahina raw ako sa krimen. Huwag daw akong makialam sa pulis. Hindi raw ako mapagkakatiwalaan. Pinagtulung-tulungan at pinagkaisahan ako para hindi magtagumpay.

Kung pareho naman ang ating layunin, bakit hindi na lang tayo magtulungan?

Hindi ba talaga sila seryoso sa laban?

O may interes ba tayong nabangga?

Noong tinanggap ko ang trabahong ito, ang una kong tinanong sa kanila ay: “Handa na ba kayo sa akin?” Ngayon ang tanong ko: Ano bang kinatatakutan ninyo?

Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko?

Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taumbayan?

Mr. President, hindi ko hiningi ang posisyong ito. Pero sineryoso ko ang trabahong ipinasa ninyo. Ang hiling ng taumbayan: isang gobyernong tunay na kampeon laban sa iligal na droga. Alalahanin natin na ang droga at mga drug lord ang kalaban—hindi ako, at lalong hindi ang taumbayan.

Mga minamahal kong mga kababayan: bilang inyong Pangalawang Pangulo, ang pinakamatimbang kong pananagutan ay sa inyo.

Sa mga susunod na araw magbibigay ako ng ulat sa bayan. Sasabihin ko ang aking natuklasan at ang aking mga rekomendasyon. Makakaasa kayo: kahit tinanggalan ako ng posisyon, hinding-hindi nila kayang tanggalin ang aking determinasyon.

Determinasyong itigil ang patayan, panagutin ang kailangang managot, at ipanalo ang kampanya laban sa iligal na droga.

Kung sa tingin nila matatapos ito dito, hindi nila ako kilala.

Nagsisimula pa lamang ako.


No comments:

Post a Comment