Monday, September 1, 2014

Mahirap Maging Single

Andito na naman po ako. Oo, alam ko. Matagal akung nawala. Pero andito na naman ako. Kaya hindi ko pa rin kayo nakakalimutan, mga taga subaybay ng blog na ito. Bakit aku nawala? Saan aku galing? naku mahabang istorya. Ito lang po ang masasabi ko ngayon:

MAHIRAP MAGING SINGLE.

Kala nyo madali maging single? Napaka hirap po. Kala nyo pagiging single ay masaya, komportable, malaya, dahil walang partner na papakisamahan araw araw, walang pamilya, walang responsibilidad? Ay naku indi po. Ang pagiging single ay isang trahedya na dapat lusutan; kelangan mong pagdaanan at maging manhid ka sa mga sweet na mga mag aasawa madadanan mo pag naglalakad ka sa kalye; mga masayang mong mga kaibigan sa piling ng kanilang asawa't anak. mga profile pics na mga kaibigan mo sa Facebook na may kayakap na asawa; mahirap po;


Yung nagsasabing masarap ang maging single, di totoo yun. Defense mechanism lang po yun.

Nagtatanong kayo bakit po single pa po ako? eh ganun siguro kapalaran ko. Siguro dahil ako'y may isang pangarap na mas mahigit pa sa pagkakaroon ng asawa at pamilya. Siguro kaya ako'y single pa dahil ako po ay may ugali at utak at puso na naiintindihan lang ng mga iilang tao;.

pero ganun pa man, sisikapin ko magkakaroon ng girlfriend; at sana siya na yung mapapangasawa ko; dahil ngayon ko lang nalaman na talagang mahirap sa isang lalake ang nag iisa; mahirap at hindi tama; ngayun ko lang nalaman at naintindihan ang importansya ng babae sa buhay ng lalake.

Yun lang po. magandang araw at magandang unang araw ng setyembre.

{image}